Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang magiging masamang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang impeachment proceedings ni Vice President Sara Duterte.
“I doubt it very much. Wala naman akong nakikitang magiging effect na ganon,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr. sa ginanap na press briefing sa Palasyo nitong Huwebes, Pebrero 7.
Binigyang-diin ng punong ehekutibo na nananatiling nakatutok ang pamahalaan sa mga planong pamumuhunan, estratehiya at structural changes sa bansa.
“Yun lang naman ang tinitingnan ng investors, so I don’t think it will have any effect,” saad ng lider.
Matapos maaprubahan ang ikaapat na impeachment complaint ng Bise Presidente sa House of Representatives, direkta na itong ipapadala sa Senado para sa paglilitis. – VC