IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, inaprubahan ang paglalabas ng 2025 PEI para sa mga kwalipikadong gov’t employee

Kristel Isidro
105
Views

[post_view_count]

Government employees enjoyed their free meal after the OP Flag Raising Ceremony at Malacañang, on December 15, 2025. (Photo from PCO)

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalabas ng 2025 Productivity Enhancement Incentive (PEI) na nagkakahalaga ng P5,000 sa mga kwalipikadong kawani ng gobyerno ngayong Huwebes, Disyembre 18.

Sa bisa ng Circular Letter 2025-13, maaaring makatanggap ng PEI ang mga empleyadong nagtatrabaho sa mga departamento, bureau, ahensya, lokal na distrito ng tubig, lokal na pamahalaan, mga state universities at colleges (SUCs), at mga government-owned or-controlled corporations (GOCCs).

Ang PEI ay ilalabas nang hindi mas maaga sa Disyembre 15, 2025 batay sa Budget Circular No. 2017-45.

Nakasaad din sa budget circular ang mga gabay para sa pagbibigay ng PEI sa mga kwalipikadong kawani, kabilang ang mga civilian personnel, mula regular, casual, o contractual, appointive o elective, hanggang full-time o part-time, at mga military at uniformed personnel.

Ang PEI ay bahagi ng Performance-Based Incentive System (PBIS) na layuning palakasin ang produktibidad, pananagutan, at pag-abot ng target ng isang ahensya. – VC