IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, ipinag-utos ang pagpapalawak ng zero balance billing para sa middle-class

Kristel Isidro
193
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. visits the Bataan General Hospital and Medical Center in Balanga City to check the implementation of the Bayad na Bill Mo or Zero Balance Billing program. (Photo courtesy of PCO)

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapalawak ng Zero Balance Billing (ZBB) program upang masaklaw hindi lamang ang mga indigent na pasyente kundi pati na rin ang mga nagbabayad na middle-class contributors.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, layon ng direktiba na tiyakin ang mas abot-kaya, accessible, at patas na serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.

Sa ilalim ng pinalawak na programa, masisiguro na ang mga kontribusyon sa PhilHealth ay magreresulta sa direktang benepisyo para sa mga miyembrong regular na nagbabayad ng premium.

Paliwanag ni Castro, makakaasa ang mga PhilHealth member nang mas maayos at mas accesible na healthcare bilang kapalit ng kanilang mga kontribusyon at buwis.

Binanggit din ng Palasyo na nasa huling yugto na ang DOH sa pagbuo ng Healthcare Provider Network (HPN) model, na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan na maghatid ng mas mataas na kalidad ng serbisyong medikal sa kani-kanilang nasasakupan. – VC

Related Articles

National

Khengie Hallig

162
Views