IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, ipinag-utos na pabilisin ang tulong sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Basyang

72
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered the swift distribution of assistance to the victims of Tropical Cyclone Basyang. (Photo from PCO; Niwrad Manu)

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules sa mga gobernador ng mga probinsyang matinding naapektuhan ng Bagyong Basyang upang tiyakin ang mabilis at maayos na pagpapatupad ng relief at recovery efforts.

Sa pulong na dinaluhan din ng mga miyembro ng Gabinete, iniutos ng Pangulo ang maagang paglalabas ng pondo bago pa man tumama ang kalamidad, ang pagpapasimple ng mga proseso upang mapabilis ang pamamahagi ng tulong, at ang mabilis na distribusyon ng binhi upang agad makapagsimulang muli ang mga magsasaka.

Kabilang din sa mga direktiba ng Pangulo ang paghahanda ng financial assistance at ang pagpapalakas ng river clearing operations upang mabawasan ang panganib ng muling pagbaha.

Pinulong ng Pangulo ang mga gobernador at miyembro ng Gabinete matapos ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Education at panlalawigang local government units (LGUs) para sa classroom building program sa buong bansa.

Sa pulong, inutos din ng Pangulo na dapat gawing mas simple ang mga proseso upang masiguro na ang tulong ay mabilis na makararating sa mga pamilyang nangangailangan.

Sa pamamagitan ng agarang pagpupulong na ito, ipinakita ni Pangulong Marcos ang pagtutok ng pamahalaan sa pagbibigay ng agarang tulong at pangmatagalang recovery measures, upang masiguro na ang suporta ay makararating sa mga nangangailangan at mapalakas ang disaster resilience ng mga komunidad na madalas tamaan ng kalamidad. | PND