IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, ipinag-utos na sa DILG ang paghiling ng extradition ni Zaldy Co na umano’y nasa Portugal

Kristel Isidro
133
Views

[post_view_count]

Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co and Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla. (Photo courtesy of Zaldy Co, PCO)

Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsisimula ng pormal na hakbang para sa extradition ng pugante at dating kongresistang si Zaldy Co na kasalukuyan umanong nasa Portugal para kaharapin ang mga paratang kaugnay sa malawakang katiwalian sa nagdaang national budget.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, wala pang umiiral na extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Portugal.

Gayunman, gagamit ang pamahalaan ng tulong mula sa INTERPOL (International Criminal Police Organization) upang hilingin ang repatriation ni Co, kahit na aniya’y ito ang unang pagkakataon na susubukan ng pamahalaan ang extradition mula sa isang bansang walang pormal na kasunduan.

“Kahit wala pang formal extradition treaty between the two countries but through Interpol, mag-request na kami ng repatriation ni Zaldy Co kung nasa Portugal talaga siya,” ani Remulla.

Si Co ay itinuturing na isa sa mga umano’y utak ng iskandalo sa flood control projects kung saan bilyong piso ang pinaniniwalaang napunta sa mga iligal na proyekto na napakinabangan ng ilang opisyal at mambabatas. – VC