IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, nagdalamhati sa pagpanaw ng dating Aide-de-Camp na si Maj. Joshua Santiago

232
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. visited the funeral of his former Aide-de-Camp, Maj. Ma. Joshua P. Santiago, at the Libingan ng mga Bayani in Taguig City last Thursday, August 27. (Screengrab from RTVM)

Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpanaw ng kanyang dating Aide-de-Camp na si Maj. Ma. Joshua P. Santiago.

Sa isang mensaheng inilabas sa Facebook, inalala ng Pangulo si Santiago bilang isang matapang, maasahan, at mabuting opisyal na naglingkod sa bansa nang may dedikasyon at karangalan.

“I came to know a soldier of courage, an officer I could depend on and, above all, a good man,” ani Pangulo.

Binigyang-pugay din ni Pangulong Marcos Jr. ang naging serbisyo ng dating Aide-de-Camp, at sinabing isang karangalan para sa kanya ang makasama ito sa kanyang paglilingkod.

Nagpaabot naman ng panalangin ang lider sa pamilya at mga kapwa sundalo ni Santiago na kasalukuyang nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw.

“May the Lord grant strength and comfort to his family, friends, and fellow soldiers who mourn his passing,” ayon sa mensahe ng Pangulo.

Samantala, wala pang inilalabas na impormasyon hinggil sa sanhi o mga detalye ng pagkamatay ni Santiago. – IP