Nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas pagbubutihin pa ng kanyang administrasyon ang pagsisikap na maitaas ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipino, kasunod ng resulta ng Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research kung saan tumaas pa ang trust at performance rating ng mga Pilipino sa kanya.
Lumalabas na pumalo sa 71% ang trust rating ng mga Pilipino kay Pangulong Marcos Jr. para sa second quarter ng 2024 na mas mataas kumpara sa 69% na naitala sa unang kwarter ng taon.
Bukod dito, nakakuha rin ang Pangulo ng 11-point increase sa Classes ABC, 2-point increase sa Class D at 3-point naman sa Class E para sa kanyang performance rating.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., nagpapahiwatig lamang ito na nagsisimula nang maunawaan ng mamamayang Pilipino ang mga programa at proyekto ng kanyang administrasyon.
“It seems to be people [are] beginning to understand what we are trying to do, they’re beginning to feel the effects of it, and so you must continue to do more and even try to do even better,” saad ng Pangulo.
“So, that’s always an inspiration for me,” pagbibigay-diin pa nito. – AL