IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, nilagdaan ang 2 batas para sa pagtatayo ng evacuation centers, pagpapatupad ng payment moratorium sa student loan

Jerson Robles
311
Views

[post_view_count]

President Marcos Jr. signs two laws for building evacuation centers and implementing student loan payment moratorium. (Photo from PCO)

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang batas ang Ligtas Pinoy Centers Act at Student Loan Payment Moratorium during Disaster and Emergencies Act na naglalayong suportahan ang mga pamilya at estudyanteng apektado ng kalamidad sa bansa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na layunin ng Ligtas Pinoy Centers Act na magtatag ng mga evacuation centers na may kumpletong kagamitan sa buong bansa upang makapagbigay ng ligtas at pansamantalang tirahan para sa mga residente na naapektuhan ng kalamidad.

“We do not wish for the frequent usage of such facilities and can only pray that we have fewer calamities. But nonetheless, we need to ensure that the evacuation centers sufficiently respond to the needs of our people affected by calamities and other such emergencies,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Dagdag niya, dapat gawing pamantayan ang pagpopondo sa mga ganitong pasilidad na kayang humarap sa epekto ng kalamidad.

“Investing in these climate-resilient facilities must be the norm; for we are not only protecting the people’s lives, but also capacitating our local government units to respond, to reduce, and to manage the risks of disasters,” saad ng Pangulo.

Solusyon din ito ng pamahalaan sa problema ng mga paaralan na kalimitang ginagamit bilang evacuation center kung saan nagdudulot ng pagkaantala sa edukasyon ng mga bata.

Sa ilalim ng Ligtas Pinoy Centers Act, tiniyak ng Pangulo sa Department of Education (DepEd) na mapagtutuunan na nila ng pansin ang pagsusulong ng kapakanan at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Nagbigay naman siya ng direktiba sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na tiyaking matatapos sa tamang oras ang konstruksyon ng mga evacuation centers partikular na sa mga prayoridad na lokal na pamahalaan habang nakasunod sa mga pamantayan gaya ng National Building Code.

Samantala, nakatuon naman sa pagbibigay ng financial relief sa mga estudyante at kanilang pamilya tuwing may kalamidad ang pinirmahang Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act.

Sa pamamagitan ito ng pagsususpinde ng koleksyon ng student loan nang walang penalty at interes.

“The benevolence of this law allows the disaster-affected students and their families to have a breathing space as they recuperate and rebuild their lives. It is our hope that this law will help lessen the financial burden off our students’ shoulders as they continue their schooling,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

Inatasan naman niya ang Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na palawigin ang iba’t ibang tulong sa mga estudyante upang hindi maapektuhan ang kanilang pag-aaral.

Sa huli, sinabi ng Pangulo na ang dalawang bagong batas ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng administrasyon upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino sa gitna ng mga hamon dulot ng kalamidad. – VC

Related Articles