IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, nilagdaan ang batas na magpapalakas sa industriya ng bigas sa Pilipinas

Jerson Robles
519
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. signs into law the ‘Amendments to the Agricultural Tariffication Act’ (R.A. No. 12078), ‘Value-Added Tax (VAT) Refund for Non-Resident Tourists (R.A. No. 12079), and ‘Basic Mental Health and Well-Being Promotion Act’ (R.A. No. 12080) in a ceremonial signing in Malacanang today, December 9. (Photo by HOR)

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong batas ang ‘Amendments to the Agricultural Tariffication Act (ATA)’ na magpapalawig sa implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang taong 2031.

Ang bagong batas, na nag-amyenda sa Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law ay naglalayong palakasin ang industriya ng bigas sa Pilipinas at tiyakin ang tuluy-tuloy na access ng mga magsasaka sa mga kinakailangan nilang resources.

Sa ilalim nito ay magkakaroon ng karagdagang pondo ang RCEF mula sa dating P10-bilyon patungong P30-bilyon taun-taon.

“Through the RCEF, we have been able to invest in high-quality seeds, mechanization, and training for our farmers—ensuring that they are equipped with the right skills and tools to increase productivity. With the expiration of the original six-year plan for RCEF fast approaching, it became clear that we needed to extend and strengthen the program,” bahagi ng mensahe ni Pangulong Marcos Jr.

Idinagdag niya na ang pagpapalawig ng programa ay makatutulong upang mas mapabuti ang kakayahan ng mga magsasaka at gawing ‘competitive’ ang industriya ng bigas.

Ang karagdagang pondo ay ilalaan para sa mga proyekto tulad ng training and extension services at financial assistance para sa mga magsasakang may hanggang dalawang ektaryang lupa, at iba pang suportang pang-agrikultura.

Layunin din nitong bawasan ang pagkalugi pagkatapos ng ani, na maghahatid ng pagkain sa karagdagang 3.4 milyong Pilipino bawat taon.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na ang nilagdaang bagong batas ay magpapatibay sa regulatory function ng Department of Agriculture (DA) upang masusing masubaybayan ang sistema at polisiya ng industriya ng bigas.

Sa kaso ng biglaang kakulangan o pagtaas ng presyo, magkakaroon ang DA ng kapangyarihang kumilos upang makontrol at mapanatili ang katatagan ng merkado.

Sa kabuuan, layunin ng bagong batas na bigyan ng kapangyarihan ang mga magsasaka at tiyakin ang isang matatag na suplay ng pagkain sa bansa.

“By increasing investments in agriculture, providing more resources, and creating a more competitive rice industry, we are laying the groundwork for a stronger, more self- sufficient Philippines,” saad ni Pangulong Marcos Jr. – VC

Related Articles