IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, pinangunahan ang pagbubukas ng Pag-Abot Processing Center sa Cebu City

Kristel Isidro
572
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the inauguration of the Pag-abot Processing Center located in Barangay Tayud, Municipality of Liloan, Cebu today, February 26. (Photo courtesy of PCO)

Personal na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon ng Pag-Abot Processing Center sa Cebu City ngayong araw, Pebrero 26, bilang bahagi ng pinaigting na hakbang ng pamahalaan para tulungan ang mga taong naninirahan sa lansangan.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa mahigit 600 indibidwal ang walang tirahan nasabing lungsod.

Sa tulong ng programa, makatatanggap ang mga ito ng komprehensibong serbisyo tulad ng health services, psychosocial support, pagkain, damit, pansamantalang tirahan, at tulong pangkabuhayan upang mapabuti ang kanilang kalagayan.

Katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG), nakipag-ugnayan na ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na maisasama ang mga kwalipikadong pamilya sa Pantawid Pamilyang Pilipino program at iba pang social protection initiatives.

Inilunsad ang Pag-Abot program noong 2023 at isinabatas noong 2024 upang mas mapalawak ang saklaw ng pagpapatupad nito.

Kabilang sa mga dumalo sa inagurasyon sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco, 5th District Cebu Rep. Vincent Franco Frasco, Liloan Mayor Aljew Fernando Frasco, at Liloan Vice Mayor Margarita Frasco.

Ininspeksyon din ng Pangulo ang iba’t ibang bahagi ng pasilidad, kabilang ang clinic at biometrics area, kwarto para sa kalalakihan, kababaihan at pamilya, child-minding room, lactation room, kusina, at mga communal bathroom, upang matiyak na maayos ang mga serbisyong ipagkakaloob sa mga benepisyaryo. – IP