IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, pormal nang binuksan sa publiko ang bagong tayong Kamuning footbridge sa Quezon City

Kristel Isidro
86
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the inspection of the newly completed footbridge and concourse at the Kamuning Station of the EDSA Busway, replacing the old structure widely known as “Mt. Kamuning.” (Photo courtesy of PCO)

Binuksan at personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang bagong footbridge at concourse sa Kamuning Station sa EDSA Busway, Quezon City, bilang kapalit sa dating delikado at matarik na tulay na tinaguriang “Mt. Kamuning.”

Ayon sa Pangulo, hindi na muling bubuksan sa publiko ang lumang footbridge dahil sa mga panganib na dulot nito sa mga komyuter.

Natapos ang konstruksyon ng bagong tulay sa loob lamang ng apat na buwan, mas maaga sa itinakdang anim na buwang target para sa proyekto.

Matatandaang matagal nang binabatikos ng mga komyuter ang dating footbridge dahil sa sobrang taas ng mga hagdan nito na nagdudulot ng hirap at panganib sa mga gumagamit.

Sa bagong footbridge, ginawang mas ligtas at mas madaling gamitin ang tulay na may mababang hagdan, mga elevator, wheelchair lifts, at nakalaan na wheelchairs para sa mga may kapansanan.

Tinatayang nasa 750,000 pasahero ang gumagamit ng MRT at EDSA Busway araw-araw. Ayon sa Pangulo, mahalaga ang istasyon bilang daanan ng maraming komyuter sa Metro Manila.

Tiniyak din ng punong ehekutibo na pangangalagaan ang bagong footbridge, upang manatiling ligtas at maginhawa ang karanasan ng publiko. – VC

Related Articles