IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa bagong hepe ng Philippine Navy: Palakasin ang depensa ng teritoryo ng Pilipinas, protektahan ang soberanya

32
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the Philippine Navy Change of Command and Retirement Ceremony, recognizing Vice Admiral Jose Ma Ambrosio Q. Ezpeleta’s two-year service as Flag Officer in Command and welcoming Vice Admiral Alan Madrid Javier who will carry forward the Navy’s mission. (Photo courtesy of PCO)

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bagong pamunuan ng Philippine Navy (PN) na higit pang palakasin ang kakayahan ng bansa na ipagtanggol ang teritoryo at pangalagaan ang mga karapatang soberanya nito.

Ito ang direktiba ng Pangulo kay Vice Admiral Alan Madrid Javier na pormal na itinalaga bilang bagong hepe ng PN sa ginanap na Change of Command and Retirement Ceremony ni outgoing Navy chief Vice Admiral Jose Ambrosio Ezpeleta sa Maynila ngayong Biyernes, Nobyembre 13.

“Strengthen our ability to defend our territory and protect our sovereign rights. Deepen our partnerships with our allies and friends and sustain our commitment to the welfare of every sailor and every marine,” ani Pangulong Marcos Jr.

Ayon sa Pangulo, mahalagang ipagpatuloy ni Javier ang mga nasimulan ng mga naunung pinuno, partikular ang mga reporma at pagsisikap na nagpalakas sa kakayahan ng Navy sa pagtatanggol sa bansa.

Hinimok din ng punong ehekutibo ang bagong Navy chief na palalimin ang ugnayan sa mga kaalyado at kaibigang bansa, gayundin ang pangalagaan ang kapakanan ng bawat marino at kawani ng Philippine Marine Corps.

“Build on these gains. Strengthen our ability to defend our territory and protect our sovereign rights. Deepen our partnerships with our allies and friends and sustain our commitment to the welfare of every sailor and every marine,” saad ng Pangulo.

Ani Pangulong Marcos Jr., magsisilbing gabay ni Javier sa kanyang bagong tungkulin ang 38 taong karanasan nito sa serbisyo militar.

Ipinahayag naman ng lider ang kanyang kumpiyansa na matitiyak ng bagong hepe na mananatiling handa, mahusay at sapat ang suporta sa lumalaking bilang ng mga barko at iba pang kagamitan ng Navy.

Ito ay kasunod ng malalaking pamumuhunan ng administrasyon sa modernisasyon ng
hukbong-dagat.

Samantala, pinuri rin ng Pangulo ang naging pamumuno ni Ezpeleta, partikular ang mga hakbang nito upang palakasin ang panlabas na depensa ng bansa.

Sa ilalim ng pamumuno ni Ezpeleta, lumahok ang Philippine Navy sa 16 bilateral at 22 multilateral military exercises.

Pinasalamatan ng Pangulo si Ezpeleta sa kanyang serbisyo at pamumuno, at ipinahayag ang kanyang kumpiyansa na ipagpapatuloy ng Philippine Navy ang mga nakamit na pagsulong sa pagtatanggol sa teritoryo at karapatang pandagat ng Pilipinas. – VC