IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa DOLE: Magsagawa ng monthly job fairs para sa mga Pilipino

Divine Paguntalan
70
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. during the celebration of 123rd Labor Day at the SMX Convention Center on May 1, 2025. (Photo from PCO)

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magsagawa ng buwanang job fair sa bansa para mas mapalawak ang oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino at makatulong sa pag-unlad ng kanilang pamilya.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Paggawa sa Pasay City ngayong Huwebes, Mayo 1, binigyang-diin ng Pangulo na patuloy ang pamahalaan sa paglikha ng trabaho at pagpapabuti sa kalagayan ng labor market sa bansa.

“Mula Hulyo 2022 hanggang Pebrero ngayong taon, mahigit 4,000 job fairs ang naisagawa. Isang milyong Pilipino ang nakilahok at halos 170,000 ang hired-on-the-spot doon sa mga job fairs,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Kasabay nito, ipinagmalaki ng punong ehekutibo ang pagbaba ng unemployment rate sa 3.8% noong Pebrero 2025–pinakamababa sa loob ng dalawang dekada.

Simula noong Abril 23, ilang job fairs ang inilunsad sa 69 lokasyon sa buong bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Labor Day. – VC