IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa DOTr, TRB: Tiyaking magaan ang daloy ng trapiko sa mga toll road ngayong holiday season

Jerson Robles
161
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. leads the inauguration of the North Luzon Expressway (NLEX) Candaba 3rd Viaduct in Pulilan, Bulacan (Photo from PIA Region 3)

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagsasagawa na ng mga hakbang ang Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa mga toll road ngayong panahon ng kapaskuhan.

Sa kanyang pangunguna sa pagbubukas ng NLEX Candaba 3rd Viaduct sa Pulilan, Bulacan, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na ang bagong kalsada ay makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya at turismo ng Central Luzon dahil sa inaasahang pagdami ng aktibidad sa rehiyon, lalo na ngayong holiday season.

“The timing of this milestone could not be more opportune. As we enter the holiday season, a period marked by heightened activity and an influx of holiday travelers, this bridge becomes even more crucial,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Hinimok din niya ang mga stakeholder, partikular ang TRB at NLEX Corporation, na tutukan ang sitwasyon sa mga toll road at magpatupad ng maayos na estratehiya sa pamamahala ng trapiko upang matugunan ang lumalaking pangangailangan sa mga kalsada.

“Let us prioritize swift response mechanisms and deploy well-coordinated traffic management strategies to address the ever-changing conditions and the increasing demands on our toll roads,” ani Pangulong Marcos Jr.

Ang Candaba Viaduct, na may habang 5 kilometro, ay itinayo noong dekada 1970 at nagdurugtong sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga.

Sa pamamagitan ng pinasinayaang P7.8 bilyong halaga ng Candaba 3rd Viaduct, inaasahang mababawasan ang pagsikip ng trapiko lalo na tuwing peak travel periods. – VC

Related Articles