IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa gov’t agencies: Iparamdam ang Pasko sa mga komunidad na tinamaan ng bagyo

Ivy Padilla
205
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos, alongside First Lady Marie Louise Araneta-Marcos and their sons Joseph Simon and William Vincent, led this year’s “Balik Sigla, Bigay Saya Year 3: A Nationwide Gift-Giving Day” at the Malacañang grounds on Sunday, December 8. (Photo by PCO)

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan na tiyakin na madarama ng bawat komunidad ang totoong diwa ng Pasko, lalo na ang mga tinamaan ng sunud-sunod na kalamidad noong mga nakaraang buwan. 

“Nahirapan tayo nitong nakaraang taon. Tinamaan tayo ng kuna anu-ano. Nag-umpisa sa El Niño. Nag tag-tuyot ang ating agrikultura tapos sinundan naman ng La Niña na puro bagyo naman,” saad ng Pangulo sa ginanap na gift-giving activity sa Malacañang ngayong Linggo, Disyembre 8.

Dito ay tiniyak ng punong ehekutibo na nakatuon ang kanyang administrasyon sa pagbibigay ng masayang Kapaskuhan sa sambayanang Pilipino.

Hinimok din ng Pangulo ang bawat isa na patuloy yakapin ang tradisyon tuwing Pasko na magsama-sama para sa pagdiriwang ng mahalagang okasyon.

“Sana naman ay mag Merry Christmas lang tayo. Kasi tayo’y nabigyan ng kaunting oras, kaunting pagkakataon na makasama ang ating mga mahal sa buhay,  makapag-celebrate ng kaunti, mag-saya ng kaunti, at kumain ng masyadong maraming lechon at saka mga hamon. Iyan ang pasko para sa Pilipino,” dagdag nito. 

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, nagpaabot ng pasasalamat ang lider sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanilang dedikasyon na matiyak na nararamdaman ng mga Pilipino ang diwa ng Pasko sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng bansa. 

Pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr., katuwang ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at kanilang mga anak na sina Joseph Simon at William Vincent, ang “Balik Sigla, Bigay Saya Year 3: A Nationwide Gift-Giving Day” sa Kalayaan Grounds ngayong araw. 

Aabot sa higit 30,000 mga kabataan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nahandugan ng maagang pamasko mula sa pamahalaan. 

Related Articles