IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa mga bagong opisyales ng AFP: Ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas, itaguyod ang pambansang seguridad

130
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. administered the oath of office to the newly promoted Generals and Flag Officers of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the graduates of Foreign Pre-Commissioned Training Institutions (FPCTI) at the Ceremonial Hall in Malacañang today, December 18. (Photo by PCO)

Paggalang sa Konstitusyon, paglilingkod sa sambayanang Pilipino, at katapatan sa ating Republika.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang kanyang pangunahan ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong promote na Heneral at Flag Officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP), gayundin ng mga nagtapos mula sa mga Foreign Pre-Commissioned Training Institutions ngayong Huwebes.

“We are reminded today that this oath-taking is a reaffirmation of a sacred trust: the respect for the Constitution, service to the Filipino people, and loyalty to the Republic,” ayon kay Pangulong Marcos.

“As you open another chapter, you also accept greater responsibility to lead with wisdom, restraint, and moral clarity,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa kanyang talumpati sa seremonya na ginanap sa Malacañan Palace, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng mga opisyal sa pagbabantay sa soberanya ng bansa at sa pagtitiyak ng pambansang seguridad.

Pinaalalahanan ng Punong Ehekutibo ang mga opisyal ng militar na ang mga bituing kanilang isinusuot ngayon ay sumisimbolo sa bigat ng kanilang responsibilidad na protektahan ang sambayanang Pilipino, ipagtanggol ang teritoryal na integridad ng bansa, at itaguyod ang mga kalayaang demokratiko.

Sinabi ng Pangulo na ang responsibilidad na ito ay kaakibat din ng mga military reservist na nagpapalakas sa kakayahan ng Sandatahang Lakas sa pamamagitan ng kanilang papel bilang force multiplier.

“This ceremony serves as a powerful affirmation that your loyalty is anchored to the Constitution, to our democratic institutions, and above all, to the people,” ayon kay Pangulong Marcos,

Muli ring pinagtibay ng Pangulo ang pangako ng administrasyon na isulong ang modernisasyon ng AFP at palakasin ang kahandaan nito na tumugon sa mga tradisyunal at bagong hamon sa seguridad sa pamamagitan ng pagsasanay, internasyonal na kooperasyon, at pinahusay na kakayahang operasyonal.

Binanggit ni Pangulong Marcos ang kamakailang pagtaas sa base pay at daily subsistence allowance ng mga kawani ng militar at uniformed personnel bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang kanilang kapakanan.

“All these reflect our principle that honoring service means ensuring that those who serve are given the support and dignity that they rightfully deserve,” ayon sa Pangulo.

“May you wear the stars on your shoulders as daily reminders of your duty to lead with integrity, to serve with humility, and, if necessary, fight for the Republic with honor and with courage,” dagdag pa ng Pangulo.

Kinilala rin ng Pangulo ang mga pamilya ng mga opisyal sa kanilang mga sakripisyo at matatag na suporta, na aniya’y mahalaga sa pagpapanatili ng isang sandatahang lakas na naglilingkod sa bansa nang may dangal at karangalan.

Tinapos ni Pangulong Marcos ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng paghikayat sa AFP na manatiling nagkakaisa sa kanilang misyon na maglingkod sa sambayanang Pilipino at mag-ambag sa pagbuo ng mas matatag at mas ligtas na Bagong Pilipinas. (PND)