
Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga Pilipino na huwag tumigil piliin at ipakita ang pagmamahal at malasakit sa Pilipinas sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan ng bansa.
Sa kanyang mensahe sa ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, hinikayat ng lider ang bawat isa na unahin ang kapakanan ng nakararami upang mapangalagaan ang kalayaang ipinaglaban ng mga bayani.
Inalala ng Pangulo ang pakikibaka ng mga Pilipino laban sa kolonyalismo at kinilala ang sakripisyo ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa.
“Sapagkat hindi sapat na lingunin lamang natin ang nakaraan. Kailangang magsilbing pundasyon ang mga aral nito sa ating kasalukuyan at kinabukasan,” ani Pangulo.
Sa huli, binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagpapalalim sa kamalayan, kabilang na ang pagiging mapanuri sa pagtingin sa katotohonan.
Kumpiyansa at buo ang pag-asa ng lider sa galing, sipag, at kabutihan ng lahing Pilipino tungo sa matatag at maulad na Bagong Pilipinas.
“Kung mananatili tayong tapat sa mga adkihaing ito, makatitiyak tayong magmamana ang mga susunod na henerasyon ng isang bansa na mas matatag, mas makatarungan, at mas maunlad,” ayon sa Pangulo. – IP











