Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang babala para sa mga kriminal ang pagka-aresto kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil patunay ito na hindi matatakasan ang batas ng Pilipinas.
“Let this serve as a warning to those who attempt to evade justice: Such is an exercise in futility. The arm of the law is long and it will reach you,” pahayag ng Pangulo kasunod ng pagkahuli sa dating alkalde.
Nagpasalamat naman siya sa Indonesian government para sa tulong at pakikipag-ugnayan sa Pilipinas sa kaso ni Guo.
Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na bibigyan pa rin ng legal protection sa ilalim ng batas ng bansa ang dismissed mayor ngunit hindi na patatagalin pa ang pagresolba sa kanyang kaso.
Nahuli ng Indonesian police si Guo kaninang madaling araw, Setyembre 4, sa isang hotel sa Tangerang City, Jakarta. – VC