Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Air Force (PAF) na ipagpatuloy ang katapatan, kahusayan, at ang tungkulin ng mga kawani nito para sa Pilipinas pati na sa mga Pilipino kasabay ng pangunguna nito sa Change of Command at Retirement Ceremony ni Lieutenant General Stephen Parreño ngayong Huwebes, Disyembre 19.
Kasabay nito ay inilarawan ni Pangulong Marcos Jr. ang mga hamon na hinaharap ng bagong liderato at ang pangangailangan para sa mas mataas na antas ng kahusayan at pagiging handa ng mga sundalo.
Malugod namang tinanggap ng punong ehekutibo ang bagong Commanding General ng PAF na si Lieutenant General Arthur Cordura.
“As we bid farewell to Lieutenant General Parreño’s distinguished tenure, we now warmly congratulate the newly appointed Commanding General of the Philippine Air Force Lieutenant General Arthur Cordura,” saad ng Pangulo.
“The road ahead is not without its challenges, but I am confident that you will rise to meet those challenges. With your steadfast leadership, you can guide the Air Force towards becoming an institution that is more agile, credible, and responsive to the demands of an ever-evolving security landscape,” mensahe pa nito.
Binigyang-diin naman ng punong ehekutibo ang kahalagahan ng modernisasyon ng mga pwersa upang mapanatili ang seguridad at kapayapaan ng bansa.
“We must ensure that the continued modernization of our armed forces remains a priority, empowering us to protect the ideals that define our nation.” ani Pangulo.
Hinimok din ni Pangulong Marcos Jr. ang mga tauhan ng PAF na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon sa serbisyo para sa bansa at sambayanang Pilipino.
“To the men and women of the Philippine Air Force, your service is a source of immense pride for our country. Under this new leadership, you may continue to reach even greater heights, embodying the principles of honor, duty, and excellence,” sabi ng Pangulo. – AL