IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa resulta ng May 2025 Elections: ‘Pagod na sa pulitika ang mga Pilipino’

Ivy Padilla
89
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. (Screengrab from BBM Podcast)

Sa kanyang unang episode ng BBM Podcast, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kamakailang resulta ng 2025 National and Local Elections ay nagpapakita na pagod na sa pulitika ang mga Pilipino at gusto na ng agarang aksyon mula sa mga lider.

“Para sa akin, I have two conclusions dito sa eleksyon. Una, nagsawa na ang Pilipino sa pulitika. Sawang-sawa na sa pulitika. Ang mensahe, sa amin lahat – hindi lamang sa akin, kung hindi sa aming lahat – tama na ‘yung pamumulitika ninyo at kami naman ang asikasuhin ninyo,” ani Pangulo.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang pangangailangan na matugunan ang mga maliliit na bagay para higit na mapaganda ang pamumuhay ng mga tao.

Ayon sa Pangulo, karamihan sa mga Pilipino ay hindi nasisiyahan sa pag-usad ng mga serbisyo ng gobyerno kung saan marami ang hindi nakakaramdam ng tulong mula sa mga ito.

“Ito talagang narealize ko na hindi natin nabigyan nang sapat na attention ‘yung mas maliit na bagay para maging mas maginhawa ang pang araw-araw ng buhay ng tao,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

“Disappointed ang tao sa serbisyo ng gobyerno. Hindi nila nararamdaman at masyadong mabagal ang galaw nang pagbubuo ng mga project na hindi pa nila maramdaman,” dagdag pa niya.

Tiniyak naman ng lider na laging nakikinig ang pamahalaan sa mga hinaing at problema ng publiko kahit pa nasa matataas na posisyon.

“Ngayon, talagang mamadaliin na namin yung immediate solutions na pwedeng gawin, gawain na kaagad. At yun ang mararamdaman ng taong bayan,” pangako ni Pangulong Marcos Jr. – AL

Related Articles