
Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasagawa ng public consultation ng Kamara hinggil sa proposed anti-political dynasty law.
Ayon sa Malacañang, isinama sa priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC ang anti-political dynasty bill, upang iparating ang kagustuhan ng Pangulo na maisabatas ito, na siyang ipinapanawagan din ng taumbayan.
Gayunman, hihintayin muna ng Pangulo ang hiwalay na bersyon ng Senado at Kamara sa nasabing panukala, bago tukuyin kung sesertipikahan ito bilang urgent.
“Kapag po naibigay na po iyong version ng dalawang kongreso, para po malaman kung dapat po ba itong i-certify as urgent dahil depende po iyan sa provision, makakaasa po kayo diyan,” pahayag ni Palace Press Briefer Atty. Claire Castro sa press briefing. (Ulat mula kay Harley Balbuena)











