IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, tiniyak ang mas mabigat, mas malakas na suporta tungo sa mababang unemployment rate

Ivy Padilla
109
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led this year’s Jobstreet Career Con, dubbed ‘Creating Connections You Seek,’ at the SMX Convention Center in Pasay City on January 29. (Photo by PCO)

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas malakas na suporta at aksyon ng pamahalaan para mapababa ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa kanyang mensahe sa idinaos na JobStreet Career Con 2025 sa Pasay City ngayong Miyerkules, Enero 29.

“Mas mabigat at mas malakas ang suporta ngayon ng pamahalaan para naman kayo ay mas may kakayanan upang makakuha ng magagandang trabaho,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Ibinida ng Pangulo ang pagbaba ng unemployment rate patungong 3.2% noong Nobyembre 2024 na mas mababa kumpara sa 3.6% na naitala sa kaparehong buwan noong 2023.

Dito ay binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor kagaya sa business leader na si Tessie Sy-Coson, vice chair of SM Investments Corporation, na may malaking ambag sa pag-oorganisa ng job fairs.

Aabot sa 5,000 local and international job positions ang binuksan sa nasabing career con kung saan nasa 150 employers mula sa iba’t ibang industry ang nakilahok kabilang ang mga sikat na kumpanyang SM Retail, Nestlé, at Metrobank. – VC

Related Articles