IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, tumanggap ng pinakamataas na honorary degree mula sa PLM

195
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. joined the 58th Commencement Exercises of the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at the Philippine International Convention Center in Pasay City, today, August 27, where he was conferred the honorary degree of Doctor of Laws, Honoris Causa. (Photo courtesy of PCO)

Iginawad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Doctor of Laws, Honoris Causa, sa ginanap na 58th Commencement Exercises ng unibersidad sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City ngayong Huwebes, Agosto 27.

Ang naturang parangal ang pinakamataas na honorary degree na iginagawad ng PLM.

Nagpasalamat ang Pangulo sa pagkilalang ipinagkaloob sa kanya, kasabay ng pagkilala sa responsibilidad na kaakibat nito na patuloy na maglingkod sa bayan.

“I receive this honor with gratitude, mindful of the responsibility that comes with it,” ani Pangulo.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng edukasyon bilang susi sa mga oportunidad at pundasyon ng pag-unlad ng bansa.

Gayunman, sinabi niyang hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng kaalaman dahil higit na mahalaga ang wastong paggamit nito para sa kapakanan at paglilingkod sa kapwa.

Sinabi rin ng Pangulo na may espesyal na lugar ang PLM sa kanilang pamilya dahil dating nagturo sa College of Law ng unibersidad si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ayon sa Pangulo, nasaksihan ng kanilang pamilya ang dedikasyon ng PLM sa paghahanda sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipinong propesyunal noong nagtuturo pa ang First Lady sa unibersidad.

“I therefore accept this recognition with a renewed commitment to uphold the values that this university has long championed: Karunungan, Kaunlaran, Kadakilaan, Wisdom, Progress and Greatness,” saad ng Pangulo.

Kabilang sa mga dumalo sa seremonya sina Manila City Mayor Isko Moreno, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, at iba pang opisyal ng pamahalaan. – VC