IBCTV13
www.ibctv13.com

PEZA, nakapagtala ng higit ₱52-B investment approvals sa unang 2 buwan ng 2025

Divine Paguntalan
109
Views

[post_view_count]

Patuloy ang paglago ng pamumuhunan sa bansa matapos makapagtala ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ng P52.933 bilyong halaga ng pamumuhunan mula Enero hanggang Pebrero ngayong taon mula sa P12.097 bilyon ng kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay PEZA Director General Tereso O. Panga, ang pagpasok ng maraming pamumuhunan sa bansa ay buhat ng patuloy na pagsuporta ng ahensya sa iba’t ibang sektor upang gawing mas kaakit-akit ang ekonomiya ng bansa.

Malaking bahagi ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa CREATE MORE Act na nagbigay ng mas mahabang insentibo sa foreign investors ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary at PEZA Board Chairman Cristina Aldeguer-Roque.

Sa loob lamang ng unang dalawang buwan ng taon, lumobo ng 337.58% ang investment approvals kumpara sa kaparehong panahon noong 2024.

Lumakas din ang job generation sa bansa o katumbas ng 11,063 direktang trabaho para sa mga Pilipino.

Sa patuloy na paglago ng pamumuhunan, tiniyak ng PEZA na mananatili itong aktibo sa paghikayat ng mas maraming dayuhang negosyante upang patuloy na mapalakas ang ekonomiya ng Pilipinas at makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino. – VC

Related Articles

National

Hecyl Brojan

87
Views

National

Divine Paguntalan

62
Views