IBCTV13
www.ibctv13.com

PEZA, nakapagtala ng P58.9-B investment approvals sa Q1 ng 2025

Ivy Padilla
95
Views

[post_view_count]

Umabot na sa P58.941 bilyong halaga ng pamumuhunan ang inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) para sa 66 na mga bago at pinalawak na proyekto sa bansa ngayong unang quarter ng taong 2025.

Ito ay 294.26% na mataas kumpara sa P14.951 bilyon na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Binigyang-diin ni PEZA Director General Tereso O. Panga na sumasalamin ito sa matatag na pangako ng ahensya na suportahan at isulong ang mga pamumuhunan sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“PEZA’s continued upward trajectory reflects our strong commitment towards investment promotion and facilitation, coupled with our most generous fiscal incentives under the CREATE MORE, and the other advantages placing the Philippines in a sweet spot for economic growth and development,” saad ni Panga.

Noong Marso 2025, may kabuuang 27 na mga bago at pinalawak na proyekto o katumbas ng P6.014 bilyon ang naaprubahan ng PEZA na inaasahang lilikha ng $223.497 million na export at mga bagong trabaho para sa higit 4,500 Pilipino.

PEZA Q1 Performance and Breakdown of Approvals (Photo by PEZA)

Ang mga naaprubahang proyekto ay may kinalaman sa IT-BPM, export manufacturing, utilities, ecozone development ventures, at domestic enterprise na matatagpuan sa Metro Manila, Region III, IV, VII, at X.

Kumpiyansa si PEZA Director Panga na magpapatuloy ang paglago sa ikalawang quarter ng taon dahil sa mas pinaigting na pagsusulong sa ekonomiya ng bansa upang maging kaakit-akit sa mga investor.

“We already received several inquiries and hosted inbound delegations from US, Japan, China, Taiwan, and Spain who are interested in investing in the ecozones,” pahayag ni Panga. – VC