Dumalo sina Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Ma. Theresa Lazaro at Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong sa 10th Bilateral Consultation Mechanism (BCM) na ginanap sa Beijing, China nitong Miyerkules, Setyembre 11.
Dito ay tinalakay ng dalawang opisyal ang kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS) at nagkasundong parehong itataguyod ang kooperasyon at ugnayan sa pamamagitan ng ‘diplomatic channels’.
“Both sides agreed to continue discussions on areas of cooperation, especially on hotline mechanisms, coast guard cooperation, and marine scientific and technological cooperation,” saad ng DFA sa isang pahayag
Kasabay nito, nanindigan din si Usec. Lazaro na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang Escoda Shoal kung saan patuloy aniya ang hakbangin ng bansa para mapababa ang tensyon sa rehiyon. -VC