IBCTV13
www.ibctv13.com

PH gov’t, maglalaan ng $100,000 tulong para sa mga OFW na apektado ng lindol sa Myanmar

Hecyl Brojan
140
Views

[post_view_count]

A building collapses after a 7.7 magnitude quake struck Myanmar on Friday (March 28, 2025). The Department of Health on Saturday (March 29) said three Philippine Emergency Medical Assistance Teams are ready to help in the post-earthquake response. (Xinhua photo)

Naglaan ng kabuuang USD 100,000 halaga ng emergency fund ang pamahalaan ng Pilipinas para tulungan ang overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong Marso 28.

Sa isang pahayag, inanunsyo ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ang pondo ay gagamitin para sa medical assistance, relocation, o paghahanap ng trabaho ng mga OFW.

“Humingi ng financial assistance authorization iyong ating embahada na ibibigay natin over USD100,000 iyan sa gastos para sa mga kailangan ng ating mga kababayan,” ani de Vega.

Ayon sa Philippine Embassy in Myanmar, apat sa 128 rehistradong Pilipino sa naturang bansa ang napaulat na nawawala, kung saan tatlo ang kasalukuyang inaalam pa ang kalagayan.

“May apat na nawawala o unaccounted for. Maaaring mayroon pa, hindi lang namin alam,” dagdag ni de Vega.

Ang kaanak naman ng dalawa sa mga nawawala, mag-asawang guro mula Bais City, Negros Oriental, ay nakipag-ugnayan na sa mga awtoridad.

Hinimok ni de Vera ang mga pamilyang hanggang ngayon ay wala pang balita patungkol sa kalagayan ng kanilang mahal sa buhay sa Myanmar na makipag-ugnayan sa DFA o embahada sa mga sumusunod na contact information: 

  • Mobile number: +95-998-521-0991
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) hotline 1348
  • Overseas Filipino Help Facebook page 

Samantala, isang send-off ceremony ang isinagawa para sa Philippine contingent team na maghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Myanmar, umaga ng Martes, Abril 1.

Ayon sa Philippine Air Force (PAF), binubuo ang 91-member team ng mga eksperto mula sa iba’t ibang sektor.

  • 3 personnel mula Office of Civil Defense
  • 10 personnel mula Philippine Army (PA)
  • 11 personnel mula PAF 505th Search and Rescue Group
  • 10 personnel mula Bureau of Fire Protection (BFP) – Special Rescue Unit
  • 10 personnel mula Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
  • 15 personnel mula Department of Environment and Natural Resources (DENR)
  • 32 medical personnel mula Department of Health (DOH)

“Their mission is not just to find missing Filipinos but to help in Myanmar’s overall rescue efforts,” ayon kay de Vega.

Batay sa mga ulat, tinatayang mahigit 2,056 katao na ang namatay, 3,900 ang sugatan, at halos 270 ang nawawala matapos ang malakas na lindol. – VC