
Kinilala ang pasaporte ng Pilipinas bilang isa sa “most aesthetic passports” sa buong mundo ng contemporary culture at lifestyle company na Hypebeast.
Sa isang social media post, partikular na pinuri sa listahan ng Hypebeast ang iconic na disenyo ng Philippine eagle na makikita sa flip cover ng pasaporte.

“From Norway’s UV-reactive landscapes to Japan’s ukiyo-e art, the Philippines’ iconic Philippine eagle, New Zealand’s sleek black cover, and more – these passports set the bar for design,” paglalarawan ng Hypebeast.
Napabilang din sa naturang listahan ang pasaporte ng Japan, Finland, New Zealand, Norway, Canada, Hong Kong, Hungary, at Belgium.
Sa kasalukuyan, may tatlong klase ng passport ang Pilipinas:
- Maroon para sa mga regular na mamamayan.
- Pula para sa mga opisyal ng gobyerno sa “official business.”
- Asul para sa diplomatiko at miyembro ng executive cabinet.

Sa listahan ng Henley Passport Index (ranking ng mga pasaporte batay sa dami ng bansang maaring bisitahin nang walang visa o may visa-on-arrival), lumapag ang Philippine passport sa ika-75 na pwesto para sa taong 2024, habang hinirang ang Singapore bilang bansa na may pinakamalakas na passport sa mundo.
May 67 visa-free destinations na maaaring puntahan ang isang PH passport holder. – VC