IBCTV13
www.ibctv13.com

PhilHealth, mas pinalawig ang hatid na serbisyo ng YAKAP sa Iloilo

Hecyl Brojan
87
Views

[post_view_count]

During the activity, the PhilHealth team conducted YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) registration, Member Data Record (MDR) and ID releasing. (Photo from PhilHealth Region VI)

Higit na pinalalawak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang implementasyon ng Yaman ng Kalusugan Program o YAKAP sa Iloilo upang matiyak na mas maraming Ilonggo ang makatatanggap ng libreng serbisyong medikal habang pinatitibay ang preventive healthcare sa rehiyon.

Sa pinakahuling tala ng ahensya, umabot na sa higit 557,000 residente ang nakapagrehistro sa YAKAP, habang may mahigit 116,000 ang unang beses nakapagpakonsulta sa ilalim ng programa.

Hatid ng YAKAP ang libreng konsultasyon, laboratory tests, gamot, at cancer screening sa mga miyembro ng PhilHealth sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at accredited health facilities.

Ayon kay Larry Tabsing, Acting Vice President ng PhilHealth–Western Visayas, patuloy ang kanilang kampanya upang mahikayat pa ang mas maraming Ilonggo na magparehistro at samantalahin ang benepisyo ng programa.

Sa kasalukuyan, may 50 accredited YAKAP providers na sa lalawigan, kabilang ang 40 rural health centers, habang umabot na sa P68.9 milyon ang naipamamahaging pondo para sa mga service provider.

Kabilang sa mga lungsod at bayan na may pinakamaraming rehistradong miyembro ng PhilHealth ang Passi City, Ajuy, Janiuay, Oton, at Tigbauan.

Patuloy din ang paglulunsad ng YAKAP Service Delivery Caravan sa lalawigan upang mailapit naman sa mga malalayong komunidad ang libreng serbisyong pangkalusugan. (Ulat mula kay Rena Manubag Dagoon) –VC

Related Articles