
Naglabas ng lahar advisory ang DOST-PHIVOLCS ngayong araw, Nobyembre 24 dahil sa posibilidad ng matinding pag-ulan na dala ng Tropical Depression Verbena at shear line sa ilang bahagi ng Central Philippines, kabilang ang Negros Island.
Ayon sa ahensya, maaari itong magdulot ng lahar o sediment-laden streamflows sa mga ilog at drainage channels ng Kanlaon Volcano, na kasalukuyang nasa Alert Level 2.
Pinapayuhan ang mga komunidad ng Negros Occidental kabilang ang mga komunidad sa Bago City, La Carlota City, La Castellana, Moises Padilla, San Carlos City, at Canlaon City sa Negros Oriental, na maging handa sa posibleng evacuation, at iwasang dumaan sa apektadong ilog at kanal.
Ilang pangunahing kanal na maaaring maapektuhan ng lahar:
- Ibid River
- Cotcot River
- Talaptapan River
- Malaiba River
- Panubigan Creek
- Buhangin-Indurayan River
- Najalin River
- Inyawan River
- Maragandang River
- Panun-an Creek
- Intiguiwan River
- Camansi River
- Maao River
- Tokon-tokon River
- Masulog River
- Binalbagan River
- Taco Creek
- Linothangan River
Babala ng PHIVOLCS, ang mga lahar ay maaaring magdulot ng pagbaha, pagkubling lupa, at washout sa mga komunidad.
Inirerekumenda ng ahensya ang patuloy na pag-monitor ng mga lokal na pamahalaan (LGU) at mga residente sa lagay ng panahon at magsagawa ng pre-emptive measures para sa kaligtasan. –VC











