IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas, nakakuha ng BAA2 investment-grade credit rating – Moody’s

Ivy Padilla
164
Views

[post_view_count]

File Photo

Malugod na tinanggap ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang “BAA2” investment-grade credit rating na ibinigay ng global credit watcher na Moody’s Rating sa Pilipinas.

Nagpapatunay lamang aniya ito sa malakas na kumpiyansa ng bansa na maabot ang “high medium-term” na paglago dahil sa “investment-friendly” na mga reporma, gayundin sa patuloy na pagpapatatag sa pananalapi ng bansa.

Sa isang news release, binigyang-diin ni Secretary Recto na isang tagumpay para sa mga Pilipino ang magandang rating dahil mas magiging madali na ang pagpopondo sa mga proyekto ng pamahalaan.

“These will create more quality jobs, increase incomes, and reduce poverty incidence in the country,” magandang balita ni Recto.

“We ensure that we have adequate fiscal space to invest on infrastructure, education, human capital development, and social protection programs, which have the high multiplier effects on the economy,” dagdag ng kalihim.

Ikinalugod din ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang positibong investment-grade rating kasabay ng pangakong higit na pagbubutihin ang pakikipagtulungan sa gobyerno.

Matatandaang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 6.3 percent na year-on-year gross domestic product (GDP) growth ng bansa sa ikalawang kwarter ng 2024.

Bukod dito, tumaas din ang foreign direct investment (FDI) net inflows mula Enero hanggang Mayo 2024 sa USD 4.0 billion, kumpara sa USD3.5 billion sa kaparehong panahon noong 2023.

Tiwala naman ang Moody sa patuloy na paglago ng FDI ng bansa sa tulong ng mga pamumuhunan sa “energy, manufacturing, information and communications sectors” pati na sa kontribusyon ng “Build Better More” program ng administrasyong Marcos Jr. sa paglago ng ekonomiya at pagbabawas ng infrastructure gap ng bansa.

Nitong nagdaang linggo, masaya ring inanunsyo ni Pangulong Marcos Jr.ang nakuhang ‘A-’ credit rating mula sa Japan-based na Rating and Investment Information (R&I), higit na mataas kumpara sa rating nito sa bansa na “BBB+” noong Agosto 2023.

Paliwanag ng Pangulo, indikasyon naman ang upgraded rating sa tumataas na kumpiyansa ng mga investor sa lumalagong ekonomiya ng bansa.

Tiniyak niya na bawat Pilipino ay mararamdaman ang paglagong ito.

“This will help us bring down borrowing costs and secure cheap and affordable financing for the government, businesses and ordinary consumers,” saad ng Pangulo.

“Ibig sabihin, sa halip na gumastos tayo para sa pagbayad ng interes, magagamit natin ang matitipid na pera para sa iba’t ibang pampublikong serbisyo gaya ng imprastraktura, healthcare facilities at pagpapatayo ng mga silid-aralan para sa ating mga mag-aaral,” dagdag niya. – VC

Related Articles