IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas, nakapagtala ng pinakamataas na ani ng palay sa halos 4 dekada

Michael Peronce
40
Views

[post_view_count]

The Philippines experienced a ‘record-high’ palay harvest for the second quarter in 2026, the highest volume in almost four decades. (Photo Courtesy to PIA)

Itinuturing na ‘record-high’ sa nakalipas na halos apat na dekada ang naaning palay sa Pilipinas para sa ikalawang kwarter ng 2026 matapos makapagtala ng 4.63 milyong metriko tonelada (MT) ng palay mula Abril hanggang Hunyo, ayon sa Department of Agriculture (DA) at datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA). 

Katumbas ito ng 5.7% na year-on-year hike at itinuturing na pinakamataas na ani para sa Q2 mula pa noong 1987. 

Sa isang pahayag, sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nakatulong ang mga hakbang ng pamahalaan para mapatatag ang suplay at suportahan ang mga magsasaka, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang seguridad sa pagkain at kita ng mga prodyuser ng pagkain sa bansa. 

“The agency is applying lessons from the 2024 El Niño, shifting its strategy from crisis response to early preparation to safeguard both food supplies and farmer incomes,” ayon sa kalihim. 

Nakatulong ang 1.04-M ektarya ng ‘harvested area’ na nakapagpataas sa kabuuang produksyon ng palay sa kabila ng 0.7% na bahagyang pagbaba sa karaniwang ani mula sa 4.50 MT kada ektarya patungong 4.47 MT.

Ayon pa sa kalihim, kasama sa nagpabuti sa kondisyon sa merkado ang apat na buwang rice import ban sa bigas mula Setyembre hanggang Disyembre noong nakaraang taon. 

Tiniyak naman ng ahensya ang mga paghahanda sa epekto ng namumuong Strong El Niño para sa kapakanan ng mga Pilipinong konsyumer at magsasaka. – VC