IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas, nakatakdang maging host para sa APMCDRR sa Oktubre

Earl Tobias
278
Views

[post_view_count]

DND Secretary Gilbert Teodoro and DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga will be representing the Philippines for the upcoming Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction which will be hosted by the country this October.

Nakatakdang pangunahan ng Pilipinas ang Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa darating na Oktubre 14 kung saan layon nitong patatagin ang kaalaman ng publiko ukol sa posibleng pagdami at paglakas ng sakuna kung saan nasa 2,500 delegado ang inaasahang dadalo rito.

Inanunsyo ito sa isinagawang Surge to 2030 Conference ngayong Huwebes, Agosto 22, na dinaluhan ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil kasabay ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga ganitong pagpupulong.

“The theme of this conference Surge to 2030 enhancing ambition in Asia Pacific to accelerate disaster risk reduction, reflects the urgency of our shared mission – it underscores the critical importance of advancing our efforts to protect the lives and livelihood of our people across the region,” saad ni Garafil.

Batay kasi sa pinakabagong ulat ng Sendai Framework, nakitang malayo pa ang mga bansa sa Asia Pacific sa pag-abot ng kanilang mga target sa disaster waste management, pagpapalakas ng mga komunidad laban sa mga sakuna, at kinakapos pa ang rehiyon sa pinansyal na kapasidad na bumangon mula sa mga pinsalang dala nito.

Nauna na kasing napagkasunduan ng bansa sa bisa ng Sendai Framework na direktang mararamdaman ng mga mamamayan ang magandang epekto nito bago sumapit ang taong 2030.

Samantala, nakatakdang i-representa nina Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ang Pilipinas para sa APMCDRR sa Oktubre upang idulog ang hinaing ng bansa pagdating sa sakuna.

“Ang direct impact nito mararamdaman sa patuloy na risk reduction program ng gobyerno katulad for next year umakyat ang NDRRM fund natin kasi nakaranas tayo na in one region alone yung damage halos naubos na ang fund sa pagre-repair sa damage structure, pati sa QRF, at calamity funds nai-stretch natin dahil bawat araw sa isang taon meron tayo laging sineservice-an na mga nangangailangan,” paliwanag ni Teodoro.

Ibinahagi naman ni Loyzaga na gaya ng Pilipinas, maraming mga bansa ang nakararanas din ng mga kaparehong sakuna tulad na lamang ng mga ‘small island developing state groups’ na nawawala na sa land area.

“May mga bansa po dito na talagang bumibili na ng lupa sa ibang bansa to locate their populations permanently,” saad ng kalihim.

Tiniyak naman ng mga kalihim na direktang mararamdaman ng sambayanang Pilipino ang epekto ng pagpupulong – partikular sa pagdami ng imprastraktura kontra sa mga sakuna sa mismong mga komunidad. -AC/VC

Related Articles