IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas, nasa tamang landas pagdating sa implementasyon ng PDP – NEDA

Alyssa Luciano
396
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. and NEDA Secretary Arsenio Balisacan during a board meeting in Malacañang. (Photo by President Ferdinand R. Marcos Jr.)

Naniniwala si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na nasa tamang direksyon ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pagdating sa implementasyon ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.

“The report that we have provided to the President, the Philippine Development Report last year pointed out, that in so far as the implementation of the Philippine Development Plan (PDP), we are in the right direction,” paliwanag ni Balisacan.

Bagama’t may ilang mga nakitang isyu sa PDP, tiniyak ni Balisacan na tinutugunan na ito ng pamahalaan.

Binigyang-diin pa ng kalihim na tuluy-tuloy ang administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. sa pagsasagawa ng mga hakbangin upang maisakatuparan ang layunin na mapababa sa single-digit level ang poverty rate ng bansa kasabay ng pagtiyak ng ‘high quality jobs’ para sa mga Pilipino.

“That we are able to increase or generate massive employment opportunities, and that growth in our development must be inclusive, meaning it must be felt everywhere in the country,” saad ni Balisacan.

Samantala, inilahad ni Balisacan na magkakaroon ng reporma ang NEDA pagdating ng mid-term ng administrasyon sa susunod na taon.

“Next year is our mid-term for this administration and NEDA will come up with a mid-term reform, to see where we are in the implementation of the Marcos administration’s plans and programs and learn from the lessons that the first three years deployed as lessons effectively, so that we can meet our development goals under this administration,” paliwanag nito. – VC

Related Articles