IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas-Palau, lumagda sa 3 kasunduan para sa mas pinalakas na ugnayan

Divine Paguntalan
131
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. and Palau President Surangel Whipps Jr. witnessed the signing of the agreements in Malacañang on February 24, 2025. (Photo from PCO)

Tatlong kasunduan ang sinelyuhan sa pagitan ng Pilipinas at Palau na may kinalaman sa ‘foreign affairs policy consultations, agriculture and fisheries’ tungo sa mas pinatibay na bilateral relations.

Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Palau President Surangel Whipps Jr. ang ceremonial signing sa Malacañang nitong Lunes, Pebrero 24.

Kabilang sa mga nilagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) on Policy Consultations sa pagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at Ministry of State ng Palau.

Para naman sa Study Visit ng mga opisyal ng Palau sa agriculture and fisheries facilities sa Pilipinas ang layunin ng nilagdaang Diplomatic Notes.

Samantala, nagkaroon din ng kasunduan sa pagitan ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) at Ministry of Agriculture, Fisheries, and the Environment para sa pagtutulungan sa sektor ng pangisdaan.

Kasunod nito, isang joint press conference ang isinagawa ng dalawang lider kung saan pinagtibay ni Pangulong Marcos ang pangako ng Pilipinas sa mas mahigpit na pakikipagtulungan sa mga bansang Pasipiko upang mapalakas pa ang maritime cooperation, fisheries development, at pagsunod sa international market standards.

“We committed to continue our dialogue on maritime boundary delimitation. We have also discussed the framework of our fisheries cooperation to improve our fishing and aquaculture sectors through the sharing of best practices and technologies,” pahayag ng Pangulo. – VC

Related Articles

National

Hecyl Brojan

43
Views

National

Divine Paguntalan

56
Views