Nanindigan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi matitinag ang Pilipinas sa mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS) kasabay ng pangako na patuloy pangangalagaan ang integridad at interes ng bansa sa sakop na teritoryo.
Sa press conference sa Palasyo, binigyang-diin ng lider na nananatiling matatag ang polisiya ng bansa sa kabila ng presensya ng monster ship ng China sa WPS.
Aniya, magpapatuloy ang pagpapatrolya ng mga sasakyang-pandagat ng bansa kahit pa sa gitna ng panggigipit ng China.
“Ano bang mission ng Coast Guard? Ano bang mission ng Navy? To protect the territorial integrity of the Philippines. So, that’s what they will do. They will continue to do that no matter what any other foreign power does; that is what we will do,” saad ng Pangulo.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos Jr. na prayoridad ng pamahalaan na siguruhing ligtas na makakapamalaot ang mga mangingisda sa nasabing karagatan. – VC