
Hindi titigil ang Pilipinas sa pakikipagtulungan sa ibang mga bansa sa pagsusulong ng kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at pandaigdigang kaayusan ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Ma. Theresa Lazaro.
Sa kabila ito ng bigong pagkuha ng bansa sa bid para sa non-permanent seat ng United Nations Security Council (UNSC) laban sa Kyrgyzstan sa botong 49-142 nitong Miyerkules, Hunyo 3.
Hindi nakuha ng Maynila ang kinakailangang “two-thirds” majority o 128 na boto mula sa 191 mga miyembro ng United Nations (UN) na nasa UN General Assembly (UNGA) sa New York City sa Amerika.
Ayon kay Lazaro, nirerespeto naman ng Maynila ang desisyon ng UN member states at binati ang kapwa bansa sa Asya sa pagkakapanalo sa posisyon.
“We thank the international community for the support and goodwill extended to the Philippines throughout our candidacy,” saad ng kalihim.
“Our campaign was anchored on our longstanding commitment to peace, dialogue, international law, and cooperation among nations. These remain principles that the Philippines will continue to uphold and advance in the global community,” dagdag pa nito.
Bukod sa Kyrgyzstan, kabilang sa mga bagong halal na miyembro para sa UNSC non-permanent seat sa 2027-2028 term ang Austria, Portugal, Trinidad and Tobago, at Zimbabwe.
Binubuo ang UNSC ng 15 member-states, kung saan nagsisilbing permanent members ang China, France, Russia, United Kingdom, at Estados Unidos.











