Ipinagmamalaki ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-angat ng Pilipinas sa global ranking ng “most attractive emerging renewable energy (RE) investment market,” batay sa Climatescope 2024 report.
Mula sa ika-apat (4th) na pwesto noong 2023, umangat sa ikalawang (2nd) pwesto ang bansa matapos makuha ang mataas na score na 2.65 over 5 sa tatlong (3) kategorya: “fundamentals, opportunities, and experience.”
Resulta ito ng mga polisiya at insentibo na naglalayong gawing mas kaakit-akit ang bansa para sa mga investor, kasama na rin ang pagpapagaan sa foreign ownership restrictions ng sektor.
“This recognition demonstrates the effectiveness of our efforts to establish a solid foundation for renewable energy development, which boosts our country’s growing reputation as a prime destination for renewable energy investments,” pahayag ni DTI Secretary Cristina Roque.
“Under President Marcos Jr.’s ‘Bagong Pilipinas’ agenda, we have been able to position the Philippines among the emerging markets through progressive policy reforms and strategic incentives. Indeed, these initiatives attract local and foreign investments and create a conducive environment for the growth and expansion of the renewable energy sector,” dagdag niya.
Isa sa karagdagang incentive para sa mga negosyo at investors sa Pilipinas ay ang kamakailang pagpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Law na layong gawin na mas ‘competitive’ at maaasahan ang Pilipinas bilang destinasyon ng pamumuhunan pagdating sa renewable energy.
Binigyang-diin ng pamahalaan na malaking tagumpay ang ranking na ito kasabay ng tumitinding hamon sa kalikasan ng buong mundo dahil ang pag-angat ng Pilipinas sa renewable energy ay hindi lamang usapin ng ekonomiya kundi ng mas maayos at malinis na bansa para sa mga Pilipino. – AL