IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas, unang bansa sa Asya na gagamit ng blockchain para sa pambansang pondo – DICT

Kristel Isidro
66
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday, January 5, signed the 2026 General Appropriations Act (GAA). (Photo courtesy of PCO)

Sa isang makasaysayang hakbang tungo sa transparency, ibinida ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paggamit ng blockchain system sa 2026 General Appropriations Act (GAA), kauna-unahang lehislasyon at pambansang pondo sa Asya na gumamit ng nasabing sistema.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda sa press briefing ngayong Huwebes, Enero 15, ito ay hakbang tungo sa digital governance at tinawag din bilang ‘Digital Bayanihan Chain,’ na may layong tiyakin ang seguridad ng pera ng taumbayan.

Sa pamamagitan ng blockchain, ang bawat tala ng pondo ay magkakaroon ng digital record na hindi maaaring baguhin o pekein, at maaaring masuri kahit lumipas pa ang maraming taon.

Kasabay ng paglulunsad, nakatakdang maging bukas sa publiko ang isang transparency portal simula Enero 15, na magbibigay-daan upang masubaybayan ang paggastos ng gobyerno.

Ang Digital Bayanihan Chain ay bahagi ng inisyatiba ng CADENA Act (Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability Act), na nagmmandato sa lahat ng ahensya ng gobyerno na i-upload at i-update ang detalye ng kanilang mga kontrata, proyekto, at procurement records sa isang sentralisadong digital platform.

Ayon pa kay Aguda, makakatipid ang gobyerno sa paggamit ng blockchain dahil mababawasan ang papel at maiiwasan ang mga dobleng kopya ng mga iba’t-ibang proyekto.

Bagama’t hindi madali ang integrasyon nito, tiniyak ni Aguda na ang Digital Bayanihan Chain ay ‘hack-resistant’ at binuo ng mga cybersecurity expert para sa matibay na seguridad.

Sa pag-usbong ng teknolohiya, handa na ang Pilipinas na maging halimbawa sa modernisasyon ng pamahalaan at masusing pagbabantay sa paggastos ng bayan. – VC

Related Articles