IBCTV13
www.ibctv13.com

Pinaigting na kampanya vs natitirang POGO sa bansa, ipinag-utos ni PBBM

Ivy Padilla
127
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R.Marcos Jr. spearheaded the 2nd Joint National Peace and Order Council (NPOC)-Regional Peace and Order Councils (RPOCs) meeting for 2024 in Camp Crame in Quezon City on Thursday, December 12. (Photo by PNP-PIO)

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang mga law enforcement at anti-corruption entities na magsagawa ng mas maliit ngunit malawakang operasyon para tuluyan nang maipasara ang mga natitirang Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa.

Nagbaba ng direktiba ang Pangulo sa Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine National Police (PNP), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na paigtingin ang kanilang kampanya kontra POGO sa ginanap na 2nd Joint National Peace and Order Council (NPOC)-Regional Peace and Order Councils (RPOCs) meeting sa Camp Crame, Quezon City ngayong Huwebes.

Ipinag-utos din niya sa mga lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para tugisin ang mga POGO sa kani-kanilang nasasakupan.

Una nang sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na inaasahang magiging POGO-free ang bansa pagsapit ng 2025 sa oras na mapawalang-bisa ang lahat ng lisensya.

As of November 29, may kabuuang 53,700 offshore gaming employment license ang kinansela habang 18 na Internet Gaming Licensee (IGLs) naman ang boluntaryong nagkansela ng kanilang lisensya.

Sa ngayon ay mayroon pang 27 IGLs ang nasa proseso ng pagpapahinto at pagsasara ng kanilang mga operasyon.

Matatandaan na ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr. ang nationwide ban ng mga POGO sa bansa sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

59
Views

National

(IBC News file photo)

76
Views