IBCTV13
www.ibctv13.com

Pinakabagong insidente ng pangha-harass ng China sa PH vessels, kinondena ng NMC

Divine Paguntalan
131
Views

[post_view_count]

Chinese vessels harassed Philippine vessels while conducting routine maritime patrol in the vicinity of Bajo de Masinloc on December 4, 2024. (Screengrab from Jay Tarriela/X)

Mariing kinondena ng National Maritime Council (NMC) ang panibagong insidente ng pangha-harass ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil ito ay malinaw na paglabag sa international law.

Nitong Miyerkules, iniulat ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela na muling binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Navy (PLN) ang barko ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nagsasagawa lamang ng routine maritime patrol sa Bajo de Masinloc.

Nasundan din ito ng ‘dangerous blocking and maneuver’ ng CCG sa BFAR vessel sa bahagi ng Escoda Shoal.

Binigyang-diin ng NMC ang karapatan ng Pilipinas sa WPS sa ilalim ng 2016 Arbitral Award, Philippine Maritime Zones Act 12064 at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kung saan walang mali sa pagsasagawa ng maritime patrol at humanitarian activity sa sariling teritoryo.

Nanindigan ang NMC na hindi makatarungan ang panghaharang ng China sa hukbong pandagat ng Pilipinas maging sa mga mangingisda dahil hindi nila pagmamay-ari ang katubigang bahagi.

“The aggressive posture of the Chinese vessels highlights a continuing pattern of aggression, coercion and intimidation within Philippine waters. These actions against our vessels are clear violations of international law and an affront to the mutual respect that is expected between countries,” bahagi ng pahayag ng NMC.

Sa kabila ng nagpapatuloy na pangha-harass ng Chinese vessels sa mga barko ng Pilipinas, tiniyak ng pamahalaan na nananatiling matatag ang kanilang tungkulin na protektahan ang teritoryo ng bansa at seguridad ng mamamayang Pilipino, alinsunod sa nakasaad sa international law. – VC

Related Articles