IBCTV13
www.ibctv13.com

Pinakamalaking Christmas park sa Pampanga, bukas na sa publiko

Ivy Padilla
861
Views

[post_view_count]

Families and friends flocked to the reopened Lakeshore Christmas park located in Mexico, Pampanga. (Photo by Ryan Jorge, IBC News)

Ramdam na ang diwa ng Kapaskuhan mula sa nagliliwanag na mga dekorasyon sa ‘The Lakeshore’ Christmas park sa bayan ng Mexico, Pampanga.

Malayo pa lang ay tanaw na ang mga kumukutikutitap na Christmas lights at engrandeng mga display na binabalik-balikan ng mga pamilya at barkada.

Bukod sa pagiging perfect spot para sa picture taking, agaw-atraksyon din sa mga bisita ang iba’t ibang rides na alok sa loob ng pinakamalaking parke.

Kabilang na rito ang Carousel, Super Bee, Bump Car, Party Boat, Ferris Wheel, Vikings, Sky Bike at marami pang iba.

Bukas ang Christmas Park mula alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi araw-araw. -VC