Ipinakita na sa publiko ng Miss Universe Organization ang official crown na gagamitin para sa coronation night ng Miss Universe 2024 na gawa ng isang Pilipino.
Ayon sa organisasyon, pinangalanan ang korona bilang “The Light of Infinity” na gawa ng Filipino homegrown jewelry brand na “Jewelmer” mula sa Golden South Sea Pearls.
Ito ang kauna-unahang Filipino-made crown na ginawa para sa prestihiyosong kompetisyon.
“The pinnacle of savoir-faire, this one-of-a-kind creation was handcrafted by Filipino master craftsmen,” saad ng Miss Universe.
Gaganapin ang coronation night ng 73rd Miss Universe 2024 sa darating na Linggo, Nobyembre 17 sa Mexico.
Pambato ng Pilipinas sa nasabing kompetisyon ang Filipino model at beauty queen mula sa Bulacan na si Chelsea Manalo.
Nasa Mexico na si Chelsea bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa laban para maiuwi ang korona sa bansa. – AL