Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi tugma ang totoong pirma ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pirma ng kanyang counter-affidavit na ipinanotaryo sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Agosto 14.
Base sa resulta ng forensic analysis ng NBI, ibang tao at hindi si Guo ang lumagda ng nasabing counter-affidavit para sa kaso niyang qualified human trafficking.
Sa isang pahayag, tinatawag ni Senator Risa Hontiveros na ‘professional scam artist’ ang sinibak na alkalde dahil sa patung-patong nitong kasinungalingan.
Nanindigan si Hontiveros na dapat imbestigahan ng Department of Justice (DOJ) at Integrated Bar of the Philippines ang abogado ni Guo na unang nagbigay ng salaysay na pinirmahan umano ng kanyang kliyente ang dokumento bago tumakas ng bansa noong Hulyo.
Sa hiwalay na pahayag, hindi na ikinabigla ni Senator Joel Villanueva ang balita ng NBI dahil nagsisinungaling na aniya si Guo magmula pa noong una.
“Panahon na para panagutin siya at ang kanyang mga kasama sa batas,” pagbibigay-diin ni Sen. Villanueva. -VC