IBCTV13
www.ibctv13.com

PNP, mas pinalakas ang paglaban vs. online fake news

Ivy Padilla
61
Views

[post_view_count]

Photo by PNP

Patuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) para matukoy ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media tungkol sa pag-kidnap ng ilang high-profile na Chinese businessmen.

Kasama ang Anti-Cybercrime Group (ACG), maigting na iniimbestigahan ng Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC) ng PNP ang malisyosong balita na nagdudulot ng takot at kalituhan sa publiko bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na labanan ang pagpapakalat ng disinformation sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Binigyang-diin ni PNP Chief PGEN Rommel Francisco Marbil na hindi titigil ang pulisya hangga’t hindi natutukoy at napananagot sa batas ang mga nasa likod ng mga ‘fake news’ na ito.

“Gagawin ng PNP ang lahat ng legal at operasyonal na hakbang para mapanagot sila. Walang puwang ang disinformation sa ating bansa,” ani Marbil.

Kasabay nito, pinaalalahanan din niya ang mga vlogger, content creator, at social media influencer na maging responsable sa pagpo-post online upang hindi maging kasangkapan sa anumang pagpapalakat ng disinformation.

Nananawagan naman si Marbil sa publiko na mas maging mapanuri at huwag basta-basta maniniwala sa mga nababasa sa social media lalo na kung hindi beripikado ang impormasyon. – AL

Related Articles

National

Divine Paguntalan

65
Views

National

Ivy Padilla

70
Views

National

Hecyl Brojan

69
Views