IBCTV13
www.ibctv13.com

Posibleng extradition kay Quiboloy sa U.S. ‘di kokontrahin ng PH gov’t

Ivy Padilla
368
Views

[post_view_count]

DOJ Undersecretary Raul Vasquez during a Saturday news forum in Quezon City, August 31. (Photo by Philippine News Agency)

Nanindigan ang gobyerno ng Pilipinas na hindi mangingialam sa posibleng ‘extradition’ kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy sa Estados Unidos.

Ito ay matapos humiling ng ‘guarantee letter’ ang kampo ng religious leader kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang tiyakin na hindi siya ipauubaya sa U.S. kung saan siya kinasuhan ng “sex trafficking by force, fraud, and coercion, and sex trafficking of children” noong 2021.

Sa isang news forum ngayong Sabado, Agosto 31, nilinaw ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Raul Vasquez na walang sinumang opisyal ng gobyerno ang may kakayahang magbigay ng guarantee letter.

“That is a legal issue that needs to be carefully studied kasi in the first place, no government official would want to violate the law. And lahat ng treaties po natin have the force of law once they are signed and concurred in by Senate,” paliwanag ni Vasquez.

“That is part of our legal obligation. And you can just imagine if we renege on our international obligation in favor of an individual,” dagdag pa nito.

Sa ngayon, wala pang natatanggap na extradition request para kay Quiboloy ang Pilipinas galing sa Estados Unidos.

Tiniyak naman ni Usec. Vasquez na magiging patas ang DOJ sa pangangasiwa ng extradition ng self-proclaimed son of God.

“I think that’s part of the process. The wheel of justice is working perfectly fine. It may be grinding slowly but it does work,” saad ng opisyal.

Pagbibigay-diin pa ni Vasquez, mas mabuting sumuko na ang pastor upang harapin ang mga kaso at paratang laban sa kanya.

Matatandaang pinaghahanap pa rin ng kapulisan si Quiboloy sa KOJC compound dahil sa mga kasong qualified human trafficking at child molestation and sexual abuse. -VC

Related Articles