IBCTV13
www.ibctv13.com

Presidential Museum sa Baguio Mansion House, bukas na!

Ivy Padilla
284
Views

[post_view_count]

The Presidential Museum in Baguio Mansion House opened to the public today, September 8. (Photo by JM Pineda, IBC News)

Opisyal nang binuksan sa publiko ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang Presidential Museum sa Baguio Mansion House sa City of Pines ngayong Linggo, Setyembre 8.

Tampok dito ang pitong galleries kung saan makikita ang iba’t ibang tagumpay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. gayundin ang kasaysayan ng mga nagdaang Pangulo ng Pilipinas.

Makikita sa loob ng museo ang mga naka-display na nagpapakita ng historical timelines ng bansa.

Bukod dito, maaari ring makabili ng souvenirs ang mga bibisita dahil may tindahan sa loob ng Presidential Museum.

Ikinatuwa ni Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Christian Frasco na personal na masaksihan ang pagbubukas ng museo dahil nakikita itong makatutulong sa pagpapalago ng sektor ng turismo ng bansa.

“Nakikita natin na napakaimportante nito sa turismo ng Pilipinas dahil mabibigyan ang ating mga turista both international and local an insight into the histories and legacies of our presidents and the building of our nation,” saad ni Frasco.

“This will inevitably I’m sure help also our local economy here in Baguio with the tourists that will be coming in, the suppliers also that will benefit from added touristic activities in the area,” dagdag niya.

Malaki ang pasasalamat ng kalihim sa Pangulo at Unang Ginang para sa ‘restoration’ ng museo na aniya’y maidadagdag sa kasaysayan at pamana ng Pilipinas.

Libreng mabibista ng mga Pilipino at dayuhang turista ang Presidential Museum na bukas tuwing Martes hanggang Linggo, mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. -VC

Related Articles