IBCTV13
www.ibctv13.com

Presyo ng kuryente, tataas ngayong Setyembre – Meralco

Alyssa Luciano
678
Views

[post_view_count]

Linemen checking electric posts. (Photo by PTV)

Magkakaroon ng panibagong dagdag-singil ang Manila Electric Company (Meralco) sa mga konsyumer nito para sa buwan ng Setyembre o katumbas ng P0.1543 kada kilowatt hour (kWh).

Ibig sabihin, sa bawat kabahayan na kumokonsumo ng 200 kWh na kuryente ay magkakaroon ng dagdag-singil na P31 sa susunod na electricity bill.

Ayon sa Meralco, malaking dahilan sa pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan ang dagdag na P0.2913 kada kWh sa transmission charge ng mga residential customer mula sa mas mataas na ancillary service charge na naging epekto ng muling pagbubukas ng commercial operations ng Reserve Market noong Agosto 5.

Bukod dito ay magkakaroon din ng net increase na P0.0177 per kWh ang buwis at iba pang mga bayarin para sa kuryente sa buwan ng Setyembre.

Sa kabilang banda, nagpaalala naman ang Meralco sa publiko na mag-ingat mula sa posibleng maging epekto ng kuryente, lalo na ngayong maulan ang panahon.
“Some tips that the customer can observe include turning off the main electrical power switcher circuit breaker in case of flooding and ensuring that hands are dry when touching electrical appliances and facilities,” paalala ng Meralco.

Hinimok din ng electric company ang publiko na panatilihing gumagana ang kanilang mga communication device lalo na kung may mga weather disturbances na nangyayari sa kanilang komunidad. -VC

Related Articles