IBCTV13
www.ibctv13.com

Priority spending ng pamahalaan para sa 2027, isinasapinal na ng mga gabinete ni PBBM

Michael Peronce
77
Views

[post_view_count]

Executive Secretary Ralph Recto convened heads of key government agencies for the implementation review of their respective budgets in 2026 and finalization of priority spending for 2027 on Monday, June 22. (Photo courtesy of OES)

Pinulong ni Executive Secretary Ralph Recto ang iba’t ibang pinuno ng mga ahensya ng pamahalaan para busisiin ang pagpapatupad ng pambansang pondo ngayong taon at talakayin na ang prayoridad na spending programs para sa taong 2027.

Bahagi ito ng pagpapabuti sa paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan at matiyak ang epektibong paggamit ng pondo ng publiko, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masiguro ang regular na pagbabantay sa paggamit ng pondo.

Kasama sa mga dumalo sa pagpupulong sina DBM Secretary Kim De Leon, DOE Secretary Sharon Garin, DOH Secretary Teodoro Herbosa, DOTr Secretary Giovanni Lopez, DepEd Secretary Sonny Angara, DEPDev Secretary Arsenio Balisacan, at senior officials ng DSWD at DA.

Ayon sa Office of the Executive Secretary (OES), isinagawa rin ang pagpupulong para tugunan ang mga hamon sa implementasyon at mapalawak ang epekto ng government expenditures .

“We need to closely track the execution of the 2026 budget and finalize the 2027 national budget,” paliwanag ni Recto.

Samantala, tinalakay sa pagpupulong ang mga interbensyon ng pamahalaan sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program at binigyang-diin ang halaga ng mga prayoridad na inisyatibo para sa kapakanan ng nasa vulnerable sectors.

Sinuri rin ni ES Recto ang estado ng agency budget implementation at hinimok ang mga departamento na pabilisin ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.

Kasama naman sa kanyang binigyang-diin ang pagsisiguro ng agarang implementasyon ng mga prayoridad na programa sa ikalawang bahagi ng 2026. – VC