IBCTV13
www.ibctv13.com

Problema sa EDSA Busway, unang tinutukan ng bagong DOTr chief

Divine Paguntalan
64
Views

[post_view_count]

EDSA Busway (Photo from DOTr)

Ilang agarang solusyon para mapabuti pa ang EDSA Busway ang iminungkahi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon upang gawing mas madali at accessible ang biyahe ng mga mananakay.

Sa kanyang unang araw bilang kalihim ng ahensya, sumakay mismo si Sec. Dizon sa EDSA Bus Carousel mula Ortigas hanggang Monumento upang personal na malaman ang mga problemang dapat aksyunan ng ahensya.

Kabilang sa mga nakitang isyu ni Dizon ay ang mga sumusunod: 

  • Kakulangan ng malinaw na wayfinders sa mga busway at MRT-3 stations
  • Sirang timers sa bus stops
  • Hindi maayos na railing stops
  • Nasirang elevators

Bilang bahagi ng solusyon, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mas mahigpit na dispatch system sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at Monumento Station upang matiyak ang orasang pag-alis ng mga bus at maiwasan ang pagsikip sa mga hintuan.

Upang maiwasan naman ang paghahalo ng mga pasahero ng busway at MRT-3, iminungkahi ng kalihim ang pagtatayo ng hiwalay na busway concourses para sa mas madaling pag-access ng mga komyuter.

“The ultimate fix which would take anywhere between 10 and 12 months or 14 months is we have to build separate concourses [for EDSA Busway],” saad ni Dizon. 

Sa datos ng DOTr, patuloy na tumataas ang ridership ng naturang busway kung saan umabot ng 63,022,953 ang kabuuang bilang ng mga mananakay noong 2024 habang pumalo na agad sa 5,503,388 ang mga pasahero para sa buwan ng Enero ngayong taon.

Pinag-aaralan naman ngayon ng DOTr na i-privatize ang operation at maintenance ng EDSA Busway bilang pangmatagalang solusyon tungo sa maginhawang biyahe ng publiko. – VC

Related Articles

National

Hecyl Brojan

92
Views